iMINDSPH
Naghain ng petition sa Supreme Court ang Mindanao State University na kumukwestiyon sa constitutionality ng Legal Education Board o LEB at regulatory authority nito sa mga state-owned chartered law schools. Kasama sa petisyon ang hiling sa SC na Temporary Restraning Order at Injunction sa cease-and-desist at closure order ng LEB.
Kinwestiyon ng Mindanao State University o MSU ang “constitutionality” ng Legal Education Board o LEB gayundin din ang regulatory authority nito sa mga state-owned at chartered law schools.
Ito ay sa pamamagitan ng paghahain ng petition sa Supreme Court na humihiling din ng Temporary Restraning Order at Injunction sa cease-and-desist at closure order ng LEB at iginiit ang awtonomiya ng MSU bilang state-owned university mula sa pangangasiwa ng LEB.
Sa kabila ng anila’y intrusive actions mula sa LEB, nananatiling determinado ang MSU sa pangako nitong ituloy ang operasyon ng kanilang College of Law.
Samantala, sa kanyang privilege speech sa regular session ng BTA Parliament araw ng Martes, kinilala ni MP Khalid Ma-amor Hadji Abdullah ang papel ng MSU-College of Law gayudin ang extensions nito na pangunahing source ng cost-effective legal education Bangsamoro Region.
コメント