Miyembro ng CPP-NPA, nasawi matapos maka engkwentro ang tropa ng 37th IB sa Sanghay, Kalamansig, Sultan Kudarat; M-16 na baril, nasamsam ng militar matapos ang sagupaan!
- Teddy Borja
- Feb 10
- 1 min read
iMINDSPH

Naka engkwentro ng mga elemento ng 37th Infantry Battalion ang ‘di matukoy na bilang ng CPP-NPA alas 9:30 ng umaga, araw ng Biyerners sa Barangay Sangay, Kalamansig, Sultan Kudarat.
Ang dalawang magkahiwalay na bakbakan na tumagal ng 20 minuto ay nagresulta sa pagkakapatay sa isang miyembro ng NPA.
Kinilala ng 6th Infantry Division ang nasawing miyembro ng NPA sa alyas na “Cardo” ng Sub-regional Command Daguma, Far South Mindanao Region ng CPP- NPA- NDF.
Nasamsam din ng kasundaluhan ang M16 Rifle at apat na mga magasin nito.
Dahil dito, inalerto na ni Brig. Gen. Michael Santos, Commander ng 603rd Brigade ang mga yunit malapit sa pinangyarihan ng engkwentro upang tugisin ang mga nagsitakas na mga teroristang grupo.
Commentaires