MOA hinggil sa pagpapatupad ng mga wastong regulasyon sa pampublikong transportasyon sa rehiyon, nilagdaan ng LTFRB at BLTFRB-MOTC
- Diane Hora
- Dec 16
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan nina LTFRB Chairman Atty. Vigor Mendoza II at MOTC Minister Termizie Masahud.
Dinaluhan ang MOA signing kasama ang mga regional directors ng LTFRB mula sa Mindanao, kabilang sina Tommy Macadindang ng Region IX, Zamboanga Peninsula, Abosamen Matuan ng Region X, Northern Mindanao, at kinatawan mula sa Region XI, Davao Region, at Pablito “Jong” Benedian Jr. ng Region XII, SOCCSKSARGEN.
Sinaksihan din ito nina MOTC Director General Atty. Roslaine Macao-Maniri, BLTFRB Director I Jobayra Tandalong, at iba pang mahahalagang opisyal ng Ministry.
Nakasaad sa kasunduan ang malinaw na patakaran sa regulasyon ng intra-regional at inter-regional na mga ruta, kabilang ang mga probisyon para sa mga ruta na may kinalaman sa Isabela City, upang masiguro ang tuloy-tuloy na serbisyo at proteksyon sa kapakanan ng publiko.
Itinatag din nito ang mga mekanismo para sa koordinasyon, pagbabahagi ng datos, at pag-aayon ng mga proseso upang suportahan ang maayos at episyenteng serbisyo ng pampublikong transportasyon.
Ipinahayag ni Minister Masahud ang pasasalamat sa LTFRB at Department of Transportation para sa patuloy na suporta at kooperasyon, at binigyang-diin na ang MOA ay mahalagang hakbang sa pagpapalakas ng koordinasyon sa pagitan ng Pambansang Pamahalaan at Bangsamoro.
Ayon sa kanya, makakatulong ang kasunduang ito upang magkaroon ng mas malinaw na regulasyon at mas maayos na serbisyo sa pampublikong transportasyon para sa mga pasahero sa rehiyon.
Ang paglagda ng MOA, ayon sa mga opisyal, ay sumasalamin sa magkatuwang na hangarin na palakasin ang intergovernmental cooperation, linawin ang regulasyon, at mapabuti ang serbisyo ng pampublikong transportasyon sa Bangsamoro Region.



Comments