Mock Elections, isinagawa ng COMELEC sa Lanao del Sur at Tawi-Tawi para sa 2025 BARMM Parliamentary Elections, matagumpay
- Diane Hora
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Nagtungo sa Lanao del Sur si COMELEC Chairman George Garcia, araw ng Sabado, July 26 para personal na bantayan ang pagbubukas at pagsasara ng botohan sa isinagawang Mock Elections para sa 2025 BARMM Parliamentary Elections.

Ang mock elections ay isinagawa sa piling lugar sa Marawi City at Butig sa Lanao del Sur, gayundin sa Bongao at Simunul sa Tawi-Tawi.
Kasama ni Chairman Garcia si Commissioner Aimee Ferolino, ang Commissioner-in-Charge para sa halalan sa rehiyon ngayong October 13, 2025 at ang iba pang senior officials ng COMELEC.
Nagsimula ang pagboto ala 7:00 ng umaga at nagtapos ng alas 10:00 ng umaga.
Pormal na nagtapos ang bilangan at canvassing para sa isinagawang Mock Elections matapos matanggap ang 100% ng lahat ng Certificates of Canvass o COC sa iba’t ibang antas sa dakong alas-11:07 ng umaga.
Bilang dagdag na hakbang para sa transparency at accessibility, nagbukas din ang isang Monitoring Center sa Chairman’s Hall, Ground Floor, Palacio del Gobernador, Intramuros, Maynila upang bigyang-daan ang partisipasyon ng publiko at interesadong grupo.
Commenti