MOLE, nagbigay ng financial assistance sa pamilya ng isang namayapang Overseas Bangsamoro Worker sa Saudi Arabia
- Diane Hora
- Nov 11
- 1 min read
iMINDSPH

Noong Nobyembre 7, 2025, personal na iniabot ni OWWB Director Annuarudin Tayuan kasama ang kanyang team mula sa Ministry of Labor and Employment ang ₱50,000.00 financial assistance sa pamilya ng isang Overseas Bangsamoro Worker na pumanaw halos dalawang buwan na ang nakalipas sa Saudi Arabia.
Ang nasabing OBW ay isang domestic helper na nagtrabaho sa Saudi Arabia.
Ang tulong pinansyal ay bahagi ng Social Benefits Program ng OWWB-MOLE at itinurn-over sa biyudo, na isang person with disability, at sa kanilang dalawang menor de edad na anak na residente ng Manday, Barangay Bagua Mother, Cotabato City.
Ayon kay Director Tayuan, ang tulong na ito ay patunay ng patuloy na pagtulong ng Bangsamoro Government sa mga manggagawang Bangsamoro na nagta-trabaho sa ibang bansa.



Comments