top of page

MOLE, nagsagawa ng malawakang kampanya laban sa illegal recruitment at trafficking sa walong bayan sa SGA

  • Diane Hora
  • Dec 1
  • 1 min read

iMINDSPH


ree


Upang labanan ang illegal recruitment, trafficking in persons at irregular migration, nagsagawa ng masusing information drive ang Ministry of Labor and Employment sa walong bagong tatag na munisipyo sa Special Geographic Area noong November 26.


Isinagawa ito sa bayan ng Kabacan, Cotabato.


Pinangunahan ito ng Bureau of Employment Promotion and Welfare – Employment Regulation Division, kung saan tinalakay ang iba’t ibang anyo ng illegal recruitment at human trafficking kabilang ang kanilang mga katangian, karaniwang modus, warning signs, at mga paraang ito ay maiwasan.


Tinalakay rin ang mga panganib ng irregular migration, lalo na ang paggamit ng unauthorized routes at kung bakit mahalagang dumaan sa legal at dokumentadong proseso.


Umabot sa apatnapu’t limang indibidwal mula sa walong SGA municipalities ang dumalo sa aktibidad.


Nagpahayag din ng suporta ang mga kinatawan ng mga LGU sa pagpapalawak ng kampanya laban sa illegal recruitment at trafficking.


Nagpasalamat naman ang MOLE SGA Field Office sa aktibong partisipasyon ng mga dumalo at binigyang-diin na kinakailangan ang tuluy-tuloy na kooperasyon at pagiging mapagmatyag ng lahat upang maprotektahan ang Bangsamoro workers.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page