top of page

MOLE, nakiisa sa iba pang ministry sa BARMM sa paglulunsad ng iProtect System na naglalayong palakasin ang proteksyon sa mga biktima ng Gender-Based Violence at Violence Against Women and Children

  • Diane Hora
  • Dec 9
  • 1 min read

iMINDSPH



ree

Nakiisa ang Ministry of Labor and Employment o MOLE sa iba pang ministries at opisina ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagpapakita ng suporta sa paglulunsad ng iProtect System.


Ito ay isang digital case management platform na magpapatatag sa mga serbisyong magbibigay-proteksyon para sa mga biktima ng gender-based violence o GBV, violence against women and children o VAWC, at iba pang social welfare cases.


Ang aktibidad ay ginanap noong Disyembre a-4 sa Shariff Kabunsuan Cultural Complex, Bangsamoro Government Center, Cotabato City.


Sa pamamagitan ng iProtect System, ang Ministry of Social Services and Development o MSSD, bilang lead implementer at system custodian, ay nakatuon sa pagbuo ng isang mas pinag-isang, episyente, at survivor-centered na protection ecosystem sa BARMM.


Inaasahang mababawasan nito ang paper-based transactions at mapapabuti ang daloy ng case management para sa mga manggagawa at mga survivor.


Kabilang sa mga tampok ng sistema ang digital case intake, inter-agency referral tracking, real-time monitoring, at secure documentation, na magbibigay-daan sa mas mabilis at tumpak na pagtugon sa mga kaso.


Naging posible ang paglulunsad ng iProtect System sa pakikipagtulungan ng United Nations Population Fund (UNFPA) at United Youth of the Philippines–Women o UNYPHIL-Women.


Ang iProtect System ay naaayon sa adbokasiya ng MOLE para sa pagkakapantay-pantay at katarungang panlipunan—hindi lamang para sa sektor ng paggawa, kundi pati na rin sa kababaihan at mga batang nangangailangan ng proteksyon laban sa mapanganib at abusadong kalagayan.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page