MOLE-OWWB, kaloob ang P1.48M tulong pinansyal sa 14 na Overseas Bangsamoro Workers at kanilang pamilya
- Diane Hora
- Nov 19
- 1 min read
iMINDSPH

Upang maibigay ang kinakailangang suporta sa mga Overseas Bangsamoro Workers na nagdusa mula sa kapansanan o dismemberment at namatayan ng kaanak na nagtatrabaho sa abroad, pinagkalooban ng tulong pinansyal ng Overseas Workers Welfare Bureau ng Ministry of Labor and Employment ang labing apat na OBWs at kanilang mga pamilya mula sa iba’t ibang bahagi ng Bangsamoro region.
Isinagawa ang distribusyon nitong November 18 sa MOLE Regional Office, sa ilalim ng OWWB Social Benefits Program.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga OBW at dependents mula sa Maguindanao del Norte, Maguindanao del Sur, Basilan, Cotabato City, SGA, at Marawi City.
Ang cash assistance ay nahati sa sumusunod na kategorya:
• Temporary Disability: 2 benepisyaryo – ₱50,000 bawat isa
• Permanent Disability: 6 benepisyaryo – ₱100,000 bawat isa
• Death with Burial Assistance: 6 benepisyaryo – ₱130,000 bawat isa.
Sa kabuuan, umabot sa ₱1,480,000 ang naipamahaging cash assistance sa mga benepisyaryo.
Kabilang sa nabigyan ng tulong ang isang benepisyaryong tuluyang nabulag dahil sa glaucoma at isa namang nabigyan na ay naka-wheelchair dahil sa pisikal na kapansanan.
Patuloy na ipinatutupad ng Bangsamoro Government, sa pamamagitan ng MOLE, ang mga programang naglalayong tulungan ang mga OBW at kanilang pamilya.



Comments