MOLE, tuloy ang kampanya upang labanan ang illegal recruitment sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Bangsamoro Recruitment and Employment Agency Development Orientation o BREADO
- Diane Hora
- May 20
- 1 min read
iMINDSPH

Upang patuloy na protektahan ang karapatan ng mga manggagawa partikular ng mga OFW-

Tinungo ng MOLE BARMM ang SGA kung saan ikinasa ng ahensiya ang ikalawang Bangsamoro Recruitment and Employment Agency Development Orientation o BREADO.

Isinagawa ito sa bayan ng Kabacan, 14 ng Mayo na pinangunahan ng Bureau of Employment Promotion and Welfare o BEPW.

Kabilang sa mga in-orient ng BEPW Recruitment and Accreditation Division o RAD ang mga managers, staff at representatives ng foreign recruitment agencies na nag-ooperate sa SGA at jobseekers mula sa Bangsamoro region.

Layunin ng patuloy na kampanya ng MOLE laban sa illegal recruitment ayon kay Labor Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema ay upang ipatupad ang labor laws para protektahan ang karapatan ng mga manggagawa at magkaroon ng sapat na kamalayan at kaalaman hinggil sa required accreditation process sa mga stakeholders, recruitment agencies at kanilang employees, gayundin ng kanilang agents at iba pang concerned agencies.
Sa ilalim ng labor laws sa Bangsamoro region, partikular ang Bangsamoro Autonomy Act o BAA No. 9 o ang “Recruitment Agency Regulation Act of 2020,” sa lahat ng employment at recruitment agencies, local o foreign, ay nire-require na magsagawa ng kahalintulad na operating licenses bago makapagrecruit ng legal na Bangsamoro jobseekers.
Ang mga recruitment agencies na ito ay kinakailangan na magparehistro at kumuha ng accreditation mula sa MOLE at kailangan na i-renew kada tatlong taon.
Comments