top of page

MOLE, tumulong sa medical repatriation ng Overseas Bangsamoro Worker mula Kuwait na na-stroke habang nagtatrabaho

  • Diane Hora
  • Nov 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Mabilis na kumilos ang Overseas Workers Welfare Bureau ng Ministry of Labor and Employment (MOLE) upang maisagawa ang medical repatriation ng isang singkwenta y dos anyos na si Alamin Kalipa, isang domestic helper sa Kuwait na na-stroke habang nasa kanyang pinagtatrabahuhan.


Ayon sa report, hindi na kayang igalaw ni Kalipa ang kalahating bahagi ng kanyang katawan at kasalukuyang sumasailalim sa medical monitoring at therapy.


Si Kalipa, na residente ng Cotabato City, ay nakauwi sa bansa sa pamamagitan ng mahigpit na koordinasyon ng MOLE–OWWB sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Migrant Workers (DMW), at Migrant Workers Office sa Kuwait.


Noong Oktubre 30, bumisita ang mga kaanak ni Kalipa kay MOLE Minister Muslimin “Bapa Mus” Sema upang personal na magpasalamat sa tulong at suportang ibinigay ng MOLE.


Bilang karagdagang tulong, nagkaloob din ang MOLE–OWWB ng financial assistance para sa kanyang mga gastusing medikal at iba pang pangangailangan habang siya ay patuloy na nagpapagaling.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page