top of page

Most wanted ng Panglima Sugala, Tawi-Tawi, arestado ng awtoridad

  • Teddy Borja
  • 15 hours ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ng awtoridad ang Top 2 Most Wanted na nahaharap sa kasong murder


Kinilala ang suspek sa alyas na “Reny” nasa hustong gulang, may asawa, at residente ng nasabing bayan.


Batay sa ulat, agad na rumesponde ang mga pulis matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang concerned citizen.


Tinungo ng mga operatiba ang Barangay Kulape kung saan inihain kay “Reny” ang warrant of arrest para sa kasong murder alinsunod sa Article 248 ng Revised Penal Code.


Walang inirekomendang pisyansa ang korte sa kaso.


Nasa kustodiya ng Panglima Sugala Municipal Police Station ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.


Pinuri ni Police Brigadier General Jaysen De Guzman ang mabilis na aksyon ng mga operatiba at binigyang-diin ang mahalagang papel ng kooperasyon ng komunidad sa tagumpay ng mga operasyon ng pulisya.


Aniya, ang matatag na ugnayan ng mga mamamayan at ng kapulisan ay susi sa kampanya ng PRO BAR laban sa lahat ng anyo ng kriminalidad.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page