Most wanted person sa Sarangani, arestado sa bayan ng Alabel sa kasong sexual assault.
- Teddy Borja
- 3 hours ago
- 1 min read
iMINDSPH

Timbog ang Top 7 Most Wanted Person ng lalawigan matapos isilbi ng awtoridad ang warrant of arrest sa kasong sexual assault.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ran-Ran.”
Inaresto ito noong Martes, December 23, sa bayan ng Alabel.
Batay sa record ng pulisya, ang warrant of arrest ay inilabas ng Family Court, Branch 10, 12th Judicial Region, Alabel, Sarangani, na may petsang December 3, 2025.
Inirekomenda ng korte ang piyansa na ₱200,000 bawat bilang ng kaso.
Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng direktang pangangasiwa ni PLTCOL Benjie Ancheta, Chief of Police ng Alabel MPS, katuwang ang mga operatiba ng CIDG–Sarangani at RIU 12, at sa koordinasyon ng BJMP–Sarangani.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at sumailalim sa kaukulang dokumentasyon bago ilipat sa BJMP–Sarangani para sa disposisyon.
Ayon sa Sarangani Police Provincial Office, magpapatuloy ang operasyon laban sa mga wanted na indibidwal bilang bahagi ng pagpapatupad ng batas at pagpapanatili ng kaayusan sa lalawigan.



Comments