Most Wanted Person sa South Cotabato, inaresto sa General Santos International Airport
- Teddy Borja
- Nov 17
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng awtoridad ang isang Most Wanted Person matapos maharang habang sumasailalim sa final security screening sa General Santos International Airport.
Paalis sana patungong Maynila ang suspek na si alyas “Barabas” nang maaresto sa General Santos International Report.
Sumasailalim sa final security screening ang suspek ng arestuhin ng awtoridad, araw ng Biyernes, November 14, 2025, bandang 4:00 ng hapon.
Inaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Section 5 ng Republic Act 9165.
Walang inirekomendang piyansa ang korte sa kaso.
Ayon sa awtoridad, sangkot umano suspek sa mga insidente ng robbery–holdup sa Banga at Surallah, South Cotabato.
Nasa kustodiya na ng Surallah Municipal Police Station ang suspek habang hinihintay ang pormal na pagbabalik ng warrant
sa korte.



Comments