Most Wanted sa Zamboanga Sibugay at Zamboanga del Norte, na nahaharap sa kasong rape at murder, arestado ng awtoridad
- Teddy Borja
- Nov 26
- 1 min read
iMINDSPH

Napasakamay ng awtoridad ang dalawang Most Wanted Person. Sa Zamboanga del Norte naman, timbog din ang isang Most Wanted Person sa kasong murder.
Bandang 1:10 ng umaga, ikinasa ang operasyon sa Purok Dos, Barangay Lagting, Siay, Zamboanga Sibugay, kung saan arestado ang isang 44-anyos na lalaki, residente ng Purok Bularan, Barangay Miputak, Dipolog City.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa Statutory Rape, na inilabas ng Family Court, 9th Judicial Region, Branch 3, Dipolog City, noong October 6, 2023.
Kasalukuyan itong nasa kustodiya ng Dipolog CPS para sa tamang disposisyon.
Samantala, bandang 11:40 ng umaga naman sa Barangay Lawigan, Labason, Zamboanga del Norte, naaresto ang isang 20-anyos na lalaki, residente ng nabanggit na barangay, sa bisa ng warrant of arrest para sa Murder, na inilabas ng Regional Trial Court, 9th Judicial Region, Branch 28, Liloy, Zamboanga del Norte, noong April 24, 2025.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng Labason MPS para sa kaukulang proseso.



Comments