top of page

MOTC at BAA, tumanggap ng bagong passenger bus at dump truck mula sa opisina ni MP Susana Anayatin

  • Diane Hora
  • Nov 28
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Upang magamit sa pagpapabuti pa ng serbisyo sa mamamayan, isang bagong passenger bus at dump truck ang inihandog ng opisina ni Member of Parliament Susana Anayatin sa Ministry of Transportation and Communications at Bangsamoro Airport Authority.


Pinondohan ito sa ilalim ng TDIF 2024 Supplemental Fund ni MP Anayatin.


Dinaluhan ang aktibidad nina MOTC Minister Termizie Masahud, MOTC Director General Atty. Roslaine Macao-Maniri, BAA Director Atty. Ranibai Dilangalen, BAA Area Manager Carmencita Salik, Cotabato Airport Manager Johari Musa, at BAA Engineer at TDIF Focal Engr. Muslimin Dicay.


Binigyang-diin ni MP Anayatin na ang bagong passenger bus ay pangunahing ilalaan para sa mga arriving OFWs, upang matiyak na may ligtas at maayos na transportasyon sila mula Cotabato Airport patungo sa kanilang mga komunidad.


Samantala, tiniyak ni BAA Director Dilangalen na magiging kapaki-pakinabang ang mga bagong kagamitan upang mapataas ang operational capacity ng BAA at mapabuti pa ang serbisyo sa mga paliparan sa buong BARMM.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page