top of page

MOTC, nagsagawa ng tatlong-araw na Project Procurement Management Plan (PPMP) workshop para sa mas maayos at tuloy-tuloy na operasyon pagsapit ng 2026

  • Diane Hora
  • Dec 2
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Sa layunin na maging mas maayos at tuloy-tuloy ang operasyon pagdating ng 2026, isinagawa ng Ministry of Transportation and Communications (MOTC) ang tatlong-araw na Workshop on Project Procurement Management Plan (PPMP) preparation mula Nobyembre 26 hanggang 28, 2025 sa Paragon Hotel, Cotabato City.


Pinangunahan ang aktibidad ng Procurement Division sa pamumuno ni Atty. Bai Sandrah Sandialan, na naglayong palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga procurement focal persons ng ministeryo.


Tampok sa workshop ang serye ng leksiyon, teknikal na talakayan, at hands-on exercises hinggil sa mga batayang prinsipyo at praktikal na aplikasyon ng PPMP. Ipinresenta rin ng mga kawani ang kanilang output at nagkaroon ng open forum kung saan nabigyan ng pagkakataon ang mga empleyado na magtanong at linawin ang mga isyung may kinalaman sa procurement.


Ayon sa MOTC, ang naturang pagsasanay ay mahalaga upang matiyak ang mas maayos na pagpapatupad ng mga operasyon, habang pinatitibay ang transparency at accountability sa proseso ng procurement.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page