iMINDSPH

Pinalalakas pa ng Project TABANG at Bangsamoro Information Office ang kanilang pagtutulungan kasunod ng paglagda sa isang Memorandum of Understanding upang suportahan ng bawat isa ang mga program development activity.

Pinangunahan ni Project TABANG Manager Abobaker Edris at Information Office (BIO) Executive Director Ameen Andrew Alonto ang paglagda sa Memorandum of Understanding (MOU) hinggil sa Partnership Agreement.

Isinagawa ito araw ng Martes, March 4.

Ang partnership ay pinalalakas pa ng nilagdaang MOU sa paghahatid ng mga impormasyon sa pamamagitan ng radyo, social media, at iba pang Information, Education, at Communications (IEC) materials mula sa OCM.
Layunin din ng programa na suportahan ang isa’t isa pagdating sa program development activities.
Comentarios