top of page

MOU, nilagdaan sa pagitan ng BAA MOTC at mga pribadong may-ari ng lupain sa loob ng Sanga-Sanga Airport, na ayon sa MOTC ay nagbukas ng oportunidad para sa mga infrastructure project sa hinaharap

  • Diane Hora
  • Dec 15
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Pinangunahan ni MOTC Minister Termizie Masahud ang serye ng aktibidad sa Sanga-Sanga Airport na naglalayong palakasin ang pagpapaunlad ng paliparan at ang koordinasyon ng mga ahensya sa rehiyon ng Bangsamoro.


Kasama ang BAA Director Atty. Ranibai Dilangalen, Area Manager Carmencita Salik, Airport Manager Kaycy Lynn Paraiso, at ang MOTC at BAA Engineering Team, pinangunahan ng ministry ang matagumpay na pagpirma ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng MOTC-BAA at mga pribadong may-ari ng lupa sa loob ng airport premises.


Isang mahalagang hakbang ang naitala sa pagitan ng MOTC-BAA at mga pribadong may-ari ng lupa sa loob ng Sanga-Sanga Airport, na nagbukas ng daan para sa mga darating na proyektong pang-imprastruktura na makikinabang ang publiko at mamamayang Bangsamoro.


Kasabay nito, nagsagawa ang team ng ocular inspection sa tinukoy na lokasyon ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) bilang bahagi ng nakatakdang deed of exchange, upang matiyak na ang mga site requirements at development plans ay naaayon sa plano.


Nakipagpulong din ang mga opisyal ng MOTC BARMM sa Group Commander ng Philippine Air Force 5135th Unit ng TogSulTaw sa isinagawang courtesy visit.


Ang pagpupulong ay nagpatibay pa umano ng ugnayan sa pagitan ng Bangsamoro Airport Authority at ng Air Force, na naglalayong palakasin ang koordinasyon, operational support, at kolaborasyon para sa seguridad, kahusayan, at maayos na pagpapatupad ng mga kasalukuyan at paparating na proyekto sa Sanga-Sanga Airport.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page