Mountain Province Governor, naghayag ng suporta at isinusulong na manatili si OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. sa posisyon sa ginta ng isinasagawang performance review sa mga gabinete ng Pangulong
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sinabi ni Governor Bonifacio Lacwasan, Jr. ng Mountain Province na nagdulot ng positibong impact sa buhay ng mga taga Mountain province ang naging pagtugon ni Sec. Galvez sa peace and order sa lugar.
Naghayag ng buong suporta at mahigpit nitong isinusulong na manatili si Galvez bilang kalihim ng OPAPRU.
Ito’y sa gitna ng ipinatutupad na performace review sa mga gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung saan pinasusumite ang mga ito ng courtesy resignation.
Sa ilalim umano ng liderato ng kalihim tumanggap aniya ang Mountain Province ng halos P200 million na halaga ng infrastructure projects taong 2024 kung saan nakabenepisyo ang local communities at napaunlad ang kabuhayan ng mga residente na direktibang nakatulong sa peace and order sa lugar.
Partikular na tinukoy ng gobernador ang mga infrastructure projects lalo na ang pagsasaayos ng mga daan sa Mountain Province.
Ipinakita rin umano ng kalihim ayon sa gobernador ang profound understanding nito sa unique challenges na kinakaharap ng kanilang probinsya kung saan hindi lamang ito nagbibigay ng direktiba kundi ay personal itong bumaba at nakikipag usap sa mga local leaders at agaran na tinutugunan ang mga hamon na angkop sa pangangailngan ng kanilang lugar. Dagdag nito na inclusive, strategic, at epektibo aniya ang pamamaraan ng kalihim.
Dagdag sa pahayag, nakikiisa ang gobernador sa iba pang lider sa panawagan kay President Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. na panatilihin si Galvez bilang OPAPRU Secretary.
Comments