MP Atty. Ishak Mastura, naghatid ng tulong sa mga residenteng binaha sa SK, MDN
- Diane Hora
- Nov 28
- 1 min read
iMINDSPH

Labing-dalawang barangay sa bayan ng Sultan Kudarat, Maguindanao del Norte na nakatira sa gilid ng Pulangi River ang nakatanggap ng 4,000 grocery packs at tig-5 kilong bigas mula sa tanggapan ni Bangsamoro Transition Authority Parliament Deputy Speaker Atty. Ishak Mastura.
Hindi naging madali ang paghahatid ng tulong sa mga residente dahil kailangan isakay ang relief goods sa pump boat bago ito makarating sa kanila.
Tinungo ng mga kawani ng mambabatas noong Lunes, November 25, 2025 ang:
📍 Barangay Kapimpilan
📍 Barangay Maidapa
📍 Barangay Kakar
📍 Barangay Katidtuan
Martes, November 26, 2025, tinungo naman ng mga kawani ng tanggapan ang:
📍 Barangay Nalinan
📍 Barangay Bulibod
📍 Barangay Katamlangan
📍 Barangay Kabuntalan
Habang Barangay Raguisi, Barangay Ungap, Barangay Banatin, at Barangay Nara naman ang nakatanggap ng tulong kahapon, November 27, 2025.
Nagpapasalamat ang mga residente kay Deputy Speaker Mastura sa natanggap na tulong.



Comments