MP Dilangalen, nagpahayag ng pasasalamat at suporta sa pagkakaisa sa Bangsamoro
- Diane Hora
- Nov 12
- 1 min read
iMINDSPH

Sa Facebook page ni Member of Parliament Dr. Hashemi Dilangalen, ipinahayag niya ang kanyang kagalakan sa mga pahayag ng pagkakaisa at suporta sa pamahalaan ng BARMM.
Ito ay ayon sa kanya ay pahayag ng pagkilala sa mga inisyatibang nagpapalakas ng samahan at pagtutulungan sa loob ng Bangsamoro.
Binigyang-diin din ng mambabatas ang kahalagahan ng pagtutulungan sa ilalim ng pamumuno ni Interim Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua, na may tapat na hangaring maitaguyod ang kapakanan at kinabukasan ng Bangsamoro.
Nanawagan si MP Dilangalen ng pagtutulungan at paglalaan ng lakas sa paghahanap ng solusyon sa mga isyung kinakaharap ng rehiyon, at sa pagsusulong ng mga programang tunay na makabubuti para sa lahat.



Comments