iMINDSPH
Naghain ng motion to Intervene at Verified Motion for Partial Reconsideration sa Supreme Court si Member of Parliament Mustapha Loong, MP Adzfar Usman at ilang abugado kasunod September 9, 2024 ruling ng Korte Suprema sa isang petisyon at sinabing hindi na bahagi ng BARMM ang lalawigan ng Sulu.
Base sa argumento ng kanilang mosyon, ang exclusion ng Sulu ay taliwas sa Bangsamoro Organic Law o BOL na dinisenyo para pagkaisahin ang historically at culturally connected areas ng Mindanao at ng Sulu Archipelago sa isang cohesive Bangsamoro region.
Inilatag din sa petisyon na kasunod ng desisyon ng SC, mawawalan ng essential funding and development programs ang lalawigan na mahalaga sa hinaharap.
Sa taong 2024, naglaan ang Ministry of Finance, Budget, and Management ng mahigit ₱4.5 billion para suportahan ang 7,872 positions sa mga ministries at office sa Sulu.
Ilan sa mga Key programs sa ilalim ng BARMM na mawawala rin sa Sulu ay kinabibilangan ng
* ₱2.67 billion sa infrastructure projects, kabilang na ang mga daan at tulay mula sa Ministry of Public Works na mahalaga para sa connectivity at growth ng probinsya.
* ₱518 million din ang inilaan ng Ministry of Health para supotahan ang siyam na pagamutan sa ibang ibang lalawigan Sulu, upang matiyak ang healthcare services para sa mga residente.
* ₱94 million mula sa Ministry of Agriculture, Fisheries, and Agrarian Reform sa land development at agribusiness support na mahalaga rin aniya sa agricultural communities ng lalawigan.
Nilinaw ni MP Loong na ang kanilang petisyon ay hindi isang legal challenge-
Ito aniya ay isang passionate plea para sa fairness at justice ng mga taga Sulu.
Dagdag nito na ang Sulu isang pillar stakeholder ng 1976 Tripoli Agreement at ng 1996 Final Peace Agreement.
Kung sakaling tuluyan nang maalis ang Sulu sa Bangsamoro Region ayon sa mambabatas,
700 Arabic Teachers ang mawawalan ng trabaho.
Mahihirapan din ang provincial government na isubisidize ang 1.2Billion annual health allocation para sa IPHO Sulu at sa walongDistrict Hospitals.
Nakasaad din sa petisyon na isa nang Abu Sayaf Free ang lalawigan at halos isang libo na Abu Sayaf ang nagbalik loob na sa gobyerno dahil sa kaunlarang natatamasa ng lalawigan kung saan abot na rin maging ang mga malalayong komunidad.
Ayon kay MP Loong, huwag sanang hayaan na magtigil ang momentum ng kapayapaan at positibong pag unlad ng Sulu sa investments para sa arabic education, health services, housing, scholarship, development at livelihood.
Comentarios