MP Hashemi Dilangalen, nakipagpulong sa mga health agencies at partners para sa Philippine Plan of Action for Nutrition 2023–2028
- Diane Hora
- Nov 12
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Bangsamoro Parliament Committee on Health Member of Parliament Dr. Hashemi Dilangalen ang multisectoral round-table discussion kaugnay sa Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023–2028. Tinalakay dito ang mga estratehiya upang mapalakas ang koordinasyon, mapalalim ang multisectoral collaboration, at makabuo ng sustainable financing para sa mga programa sa nutrisyon.
Ayon kay MP Dilangalen, nagbigay ang pagpupulong ng mahahalagang pananaw at pagkakataon upang maipresenta ang legislative priorities at mga nagawa ng Bangsamoro Parliament para sa pagpapabuti ng kalusugan at nutrisyon sa rehiyon.
Pinasalamatan ng mambabatas ang mga kasamang eksperto na sina Dr. Joan Matji, Global Director for Nutrition ng UNICEF HQ, at Mr. Mueni Mutunga, OIC Regional Nutrition Advisor ng UNICEF EAPRO, sa pagbabahagi ng kaalaman at karanasan hinggil sa pagpapalakas ng nutrition governance sa pamamagitan ng partnership at shared accountability.
Inaasahan na ang mga natutunan mula sa pagpupulong ay magsisilbing gabay upang lalo pang mapatatag ang kolektibong pagtugon laban sa malnutrisyon at maipatupad ang mas epektibong nutrition plan sa Bangsamoro.



Comments