iMINDSPH
Ayusin muna ang Bangsamoro Autonomy Act No. 58 bago magsagawa ng Parliamentary Election. Ito ang binigyang diin ni MP Michael Midtimbang sa kanyang dalawang resolusyon na inihain sa BTA Parliament.
Unang panawagan nito sa COMELEC na i-reschedule ang petsa ng paghahain ng Certificate of Candidacy para sa BARMM Parliamentary Election. Pangalawang panawagan ng mambabatas ay sa House of Representatives at Senado na i-reschedule ang halalan sa rehiyon para magkaroon ng sapat na panahon na maamyendahan ang batas.
Nasa committee on Rules na ang dalawang resolusyon at nakatakda namang iconsolidate sa dalawa pang resolusyon na pareho ang layunin.
Ito ang panawagan ni MP Michael Midtimbang sa Commission on Election, House of Representatives at sa Senado.
Inihain ni Midtimbang sa BTA Parliament ang Resolution No. 632 at 631 laman nito ang panawagan sa COMELEC na i-reschedule ang petsa ng paghahain ng Certificate of Candidacy para sa BARMM Parliamentary Election.
Pangalawang panawagan ng mambabatas ay sa House of Representatives at Senado na i-reschedule ang halalan sa rehiyon para magkaroon ng sapat na panahon na maamyendahan ang batas.
Binigyang diin ng mambabatas sa dalawang resolusyon nito na bigyan muna ng sapat na panahon na maayos ang batas na sumasaklaw sa parliamentary districts sa rehiyon.
Itinakda ng COMELEC sa November 4 hanggang November 9 ang paghahain ng COC para sa BARMM Parliamentary Districts at nominees ng Regional Parliamentary Political Party.
Nasa committee on Rules na ang dalawang resolusyon at nakatakda namang iconsolidate sa dalawa pang resolusyon na pareho ang layunin.
Comments