top of page

MP Naguib Sinarimbo, kintwesiyon ang probisyon sa proposed Bangsamoro Budget System Act na i-penalize ang mga ministry na hindi makakagastos ng buong budget sa buong taon

  • Diane Hora
  • Nov 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa naganap na interpellation kaugnay sa pagtalakay sa Bangsamoro Budget System Act, inilahad ni MP Naguib Sinarimbo ang tanong hinggil sa probisyon na i-penalize ang mga ministeryo na hindi makakagastos ng buong budget sa buong taon.


Ayon sa mambabatas, maganda sana ito kung mayroong pag-aaral kung ano ang mga dahilan kung bakit hindi nauubos ng mga ahensya ng gobyerno ang perang pinlano at pinondohan.


Sa ganitong paraan, ayon sa opisyal, mapapangalanan kung saan may problema at kung anong polisiya o batas ang kailangan gawin upang maiwasan ang mabagal na paggamit ng pera ng Bangsamoro Government, na ayon sa Ministry of Finance, Budget, and Management ay nasa 85%.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page