top of page

MSMEs ng Cotabato City, matagumpay na naitanghal ang makulay na craftsmanship at mayamang culinary heritage ng syudad sa ginanap na Mindanao Trade Expo 2025 sa Davao City

  • Diane Hora
  • 1 day ago
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Ipinamalas ng Cotabato City ang husay at likha ng mga lokal na negosyante matapos lumahok ang Pamahalaang Lungsod sa Mindanao Trade Expo 2025 na ginanap sa Abreeza Mall, Davao City, mula Disyembre 10 hanggang 14, 2025.


Sa pangunguna ng City Government, matagumpay na naitanghal ang makulay na craftsmanship at mayamang culinary heritage ng Cotabato City, na nagbigay-daan sa mas mataas na exposure at oportunidad para sa mga lokal na Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs).


Ayon sa ulat ng LGU, umabot sa ₱135,368.00 ang kabuuang direct sales mula sa mga tampok na produkto, kabilang ang iba’t ibang food delicacies at de-kalidad na non-food items. Higit pa rito, nakapagtala rin ang delegasyon ng ₱216,000.00 na halaga ng mga order at kasunduang pang-negosyo, kasama ang anim (6) na Business-to-Business (B2B) transactions, na inaasahang magbubukas ng mas malawak na pamilihan para sa mga lokal na produkto.


Binigyang-diin ng Pamahalaang Lungsod na ang partisipasyon sa Mindanao Trade Expo ay bahagi ng patuloy nitong pagsisikap na palakasin ang local entrepreneurship, palawakin ang merkado ng mga MSMEs, at suportahan ang inklusibong paglago ng ekonomiya ng lungsod.


Sa tagumpay na ito, muling pinatunayan ng Cotabato City na ang lokal na galing at produkto nito ay kayang makipagsabayan sa rehiyonal at pambansang pamilihan—isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag at masiglang lokal na ekonomiya.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page