top of page

MSSD, pinalalakas pa ang ugnayan sa media upang maiparating sa publiko ang mga programa at serbisyo

  • Diane Hora
  • 2 hours ago
  • 1 min read

IMINDSPH


ree

Hinimay ng Ministry of Social Services and Development BARMM ang kanilang mga programa at proyekto at kung paano ito palakasin upang maiparating sa publiko sa ginanap na Media Forum on Bridging Communication for Effective Social Services sa BARMM, ngayong araw sa General Santos City.


Lumahok sa forum ang mga mamamahayag mula sa iba’t ibang panig ng Mindanao.


Sa kaniyang Transition Report, binigyang-diin ni Atty. Raissa Jajurie, Minister ng MSSD, ang kahalagahan ng transparency at access sa lahat ng programa ng ministeryo, lalo na para sa mga vulnerable sectors ng Bangsamoro region.


Ipinaliwanag din ng opisyal ang layunin ng MSSD na maabot at matulungan ang mga nangangailangan sa pamamagitan ng bukas na komunikasyon at pakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya at lokal na pamahalaan.


Kabilang sa mga dumalo sa forum sina: Atty. Mohammad Muktadir Estrella, Director-General ng MSSD Hasim Guaimil, Director II ng Programs and Operations Services Sandra Macacua, Chief ng Protective Services and Welfare Division Guialil Pandi, Chief ng Specialized Program Division.


Ang media forum ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng MSSD na mapatatag ang transparency, accountability, at epektibong pagbibigay ng serbisyo sa mga mamamayang Bangsamoro.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page