top of page

NAANTALA ANG FINAL TESTING AT SEALING NG ACM

  • Diane Hora
  • May 9
  • 1 min read

iMINDSPH


Naantala ang Final Testing at Sealing ng mga Automated Counting Machine para sa 104 clustered precincts sa bayan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte.


Ayon kay COMELEC BARMM Regional Election Officer, Atty. Ray Sumalipao, usapin sa listahan ng Electoral Board ang dahilan.


Isang presinto rin sa Simunul ang naantala ang FTS dahil naman sa usapin ng smart card.


Sa pangkalahatan, naging matiwasay ayon kay Atty. Sumalipao ang isinagawang FTS sa buong rehiyon.


Ang BARMM ay mayroong 2,295,000 registered voters na inaasahang lalabas at boboto sa 3,465 presinto sa araw ng halalan sa Lunes, May 12.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page