iMINDSPH

Nagharap sa coordinating meeting ang mga law enforcement unit kasama ang mga opisyal ng provincial government ng Lanao del Sur sa pangunguna ni Governor Mamintal “Bombit” Adiong, Vice Governor Mohammad Khalid Raki-in Adiong 2nd District Congressman Yasser Alonto Balindong kaugnay sa pagkakapaslang sa dating alkalde ng Lumbaca Unayan na si Abdulazis Aloyodan.

Sentrong usapin sa pulong ang estado ng imbestigasyon ng otoridad sa napaslang na alkalde.

Binaril at napatay ang biktima habang nakatayo sa motor pool sa tapat ng kanilang bahay ilang metro lamang din ang layo mula sa municipal hall sa Barangay Oriental Geta noong Pebrero a-26.

Bukod sa mga sundalo at pulis, dumalo din sa pulong ang pamilya ng dating alkalde.

Matatandaang bumuo na ng Special Investigation Task Group ang PNP sa lugar na tututok sa imbestigasyon ng kaso.
Comments