iMINDSPH
“Tao lang minsan mataas ang emosyon” ito ang tugon ni Senate President Chiz Escudero matapos magkasagutan sa plenary session sina Sen. Miguel Zubiri at Senator Alan Peter Cayetano.
Ito ay kasunod ng pagkwestiyon ni Sen. Zubiri sa biglang pagsingit sa pagtalakay sa resolution na inakda ni Sen. Cayetano na nanawagan na gamitin ng mga residente sa Embo barangays ang karapatang bumoto para sa kanilang congressional representative sa 2025 midterm elections.
Sinabi ni Sen. Zubiri, wala sa agenda ang naturang concurrent resolution at hindi naipaliwanag sa kanila kung ano ang nilalaman nito.
Sa huli, nagkaayos din ang dalawang senador at humingi ng tawad sa isa’t isat.
Comentários