top of page

Nanay at 16-anyos na anak nito, arestado sa buy-bust operation sa Cotabato City; P3.4 million na halaga ng suspected shabu, nasamsam

  • Teddy Borja
  • Aug 11
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Arestado ang isang nanay at dise sais anyos na anak nito sa ikinasang buy-bust operation kung saan nasamsam ang 3.4 million pesos na halaga ng suspected shabu.



Kinilala ang naarestong nanay sa alyas “Far”, 38-anyos, magsasaka at residente ng Poblacion 1, Cotabato City at ang kanyang 16-anyos na anak.


Ikinasa ang operasyon alas 6:30 ng gabi, araw ng Biyernes, August 8 sa Poblacion 5 ng lungsod.


Narekober mula sa mga suspek ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) na P3,400,000.00.


Patuloy ang imbestigasyon at inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek alinsunod sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page