top of page

Nanay sa Barangay Limbo, personal na binisita ni Mayor Datu Shameem Mastura at Kapitan Shafdar Mastura para sa programang Lakbay Tulong ng lokal na pamahalaan

  • Diane Hora
  • Dec 8
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa kanilang pag-uusap, nalaman ni Mayor Mastura na ang tanging pinagkukunan ng kita ni Nanay Juanita ay ang pagtitinda ng inihaw at balot, kung saan kumikita lamang siya ng humigit-kumulang ₱100 na pinagkakasya para sa pang-araw-araw na pangangailangan ng anim na miyembro ng pamilya.


Layunin ng pagbisita na mas maunawaan ang kanyang mga pangangailangan at personal na maihatid ang mga tulong na makapagpapagaan sa kanyang sitwasyon.


Patuloy na isinusulong ni Mayor Mastura ang Lakbay Tulong Program upang matiyak na ang bawat pamilyang nangangailangan ay napapakinggan, natutulungan, at nabibigyan ng agarang suporta mula sa pamahalaang lokal.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page