iMINDSPH
Tinugligsa ng OPAPRU ang maling impormasyon na ipinapakalat ng umano’y isang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na si Sharief Edjal Alimuddin, a-27 ng Pebrero 2025 sa Cabatangan, Zamboanga City
Sa isang press conference, sinabi umano ni Alimuddin na nagpapakilalang Governor General of the MNLF, ang sinasabing recruitment ng mga dating miyembro ng MNLF partikular sa Armed Forces of the Philippines.
Ayon sa OPAPRU, nagdudulot ng pangamba at takot sa mga mamamayan ng Zamboanga City ang maling impormasyon at higit sa lahat, ay nakapipinsala sa 1996 Final Peace Agreement (FPA), ang makasaysayang peace deal na nilagdaan ng GPH at MNLF.
Giit ng OPAPRU, tulad ng paliwanag ng gobyerno, wala nang ongoing special recruitment process o reintegration para sa MNLF members na gustong pumasok sa Philippine National Police (PNP) at sa AFP.
Kung gustuhin umano ng mga ito ay kinakailangan na dumaan sa regular recruitment process base sa well-established criteria at qualifications.
Nakipag ugnayan na ang OPAPRU sa MNLF sa ilalim ng pamumuno ni MNLF Founder Nur Misuari para mabigyang linaw ang usapin.
Nag isyu na rin ng pahayag ang MNLF ayon sa OPAPRU at nakasaad dito na hindi nito inotorisa si Alimuddin na mag organisa ng pulong. Idinistansya rin ng MNLF ang kanilang liderato sa mga indibidwal na gumagawa ng hakbang na hindi saklaw ng “chain of command.”
Nakipag-ugnayan na ang OPAPRU sa iba’t ibang law enforcement agencies at pinaiimbestigahan na ang ulat.
Nanawagan ang OPAPRU sa publiko na huwag agad nagpapaniwala sa mga pangako o propaganda mula sa mga indibidwal o grupo na mini-misrepresent ang interest ng liderato ng MNLF lalo na ang mga humihingi ng pera kapalit ng serbisyo o posisyon sa gobyerno.

Comments