Natitirang problema sa rido o alitan ng mga pamilya o grupo sa Maguindanao del Sur, nasa 20 porsyento na lamang ang natitira at kasalukuyang tinututukan ng provincial government upang maresolba, ayon
- Teddy Borja
- Nov 12
- 1 min read
iMINDSPH
Dapat maayos muna ang lahat ng alitan sa pagitan ng mga pamilya o grupong may hindi pagkakaunawaan sa lalawigan ng Maguindanao del Sur upang tuluyang umusad ang kaunlaran sa probinsya, ayon kay Governor Datu Ali Midtimbang.
Sa panayam ng iMINDS Philippines sa gobernador, sinabi nito na nasa 20 percent na lamang umano ang natitirang rido na tinututukan ng kanyang administrasyon ngayon.
Isa sa mga flagship programs ng gobernador ay ang reconciliation na nakapaloob sa programang GIVE HEART – health, education, agriculture, reconciliation, and transformation.



Comments