Negosyante at anak nito na suspek sa pamamaril sa isang pulis sa Isulan, Sultan Kudarat, arestado!
- Teddy Borja
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Hawak na ng awtoridad si alyas “Donny”, 44 years old at anak nito na is alyas “BJ”, 25 years old.
Suspek ang dalawa sa pagpatay kay Police Executive Master Sergeant Geoffrey Angub noong May 27.
Ang biktima ay nakadestino sa Bagumbayan Municipal Police Station, Sultan Kudarat Police Provincial Office.
Nahuli ang mga suspek sa bayan ng Polomolok, South Cotabato, tanghali noong May 27.
Naniniwala ang awtoridad na nag-ugat ang pamamaril mula sa personal grudge o di pagkakaunawaan ng magkabilang panig.
Nasa kustodiya na ng pulisya ang mga suspek habang inihahanda ang kasong murder laban sa mga ito.
Comments