Negosyante, nasawi sa naganap na pamamaril sa Barangay Malala, Datu Paglas, Maguindanao del Sur
- Teddy Borja
- Nov 11
- 1 min read
iMINDSPH

Patay ang isang negosyante sa naganap na pamamaril sa Barangay Malala.
Kinilala ang nasawing biktima sa alyas na “Jov”, 29 years old, residente ng Buluan, Maguindanao de Sur.
Nakaligtas naman ang isang alyas “Al” 41-anyos, residente ng Paglat.
Naganap ang pamamaril ala 1:30 ng hapon, araw ng Lunes, November 10.
Sa imbestigasyon ng awtoridad, sakay ng multicab ang mga biktima na may kargang baka at patungo ng Poblacion, Datu Paglas nang paputukan sila ng hindi pa kilalang mga lalaki sakay ng motorsiklo.
Ayon sa nakaligtas na biktima, dalawang putok ng baril ang kanyang narinig bago tuluyang nahulog sa kanal ang kanilang sasakyan.
Inaalam pa ng awtoridad ang motibo sa krimen at pagkakakilanlan ng mga salarin.



Comments