Newly Procured Vehicles at Heavy Equipment ng Maguindanao del Sur Provincial Government, ininspeksyon ng COA
- Diane Hora
- Dec 3
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng liderato ni Governor Datu Ali Midtimbang, Sr., patuloy ang Provincial Government ng Maguindanao del Sur sa pagpapalakas ng operational capacity at masigurong maayos at tumutugon sa pangangailangan ng publiko.
Bilang bahagi ng layuning ito, nagsagawa ang Commission on Audit (COA) ng isang opisyal na inspeksyon at beripikasyon sa mga bagong biling sasakyan at heavy equipment ng lalawigan na kinabibilangan ng dalawang utility van, isang dropside truck, dalawang garbage compactor trucks, at isang tractor head, na idineliver sa provincial government.
Pinangunahan ang aktibidad ni State Auditor IV Sinsuát Magumpara kasama sina Engineer Johry Abu at Norudin Abdula, katuwang ang Provincial General Services Office (PGSO) sa pamumuno ni Saddam Hussien Nur, na siyang nangasiwa sa pagproseso at paghahanda para sa inspeksyon.
Ipinapakita ng mga bagong yunit na ito ang proaktibong hakbang ng lalawigan upang palakasin ang operasyon sa iba’t ibang sektor.
Inaasahang makatutulong ang mga ito sa pagpapabuti ng imprastruktura, logistical support, waste management, at pangkalahatang public service delivery.
Ang isinagawang inspeksyon ay bahagi ng standard auditing at validation procedures ng COA upang matiyak na sumusunod ang mga kagamitan sa itinakdang regulasyon, tugma ang mga ito sa technical specifications, at dumaan ang lahat sa wastong dokumentasyon.



Comments