top of page

NHCP at BCPCH, BARMM, nakipagpulong sa LGU Sultan Mastura kaugnay sa pagtukoy sa eksaktong lokasyon ng libingan ni Sultan Kudarat na bahagi ng pangangalaga ng kasaysayan at pamana ng Bangsamoro

  • Diane Hora
  • Aug 7
  • 1 min read

iMINDSPH


ree

Sa pulong na isinagawa, araw ng Miyerkules, August 6 sa pagitan ng mga kinatawan mula sa National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Bangsamoro Commission for the Preservation of Cultural Heritage–BARMM (BCPCH-BARMM) at Mayor Datu Armando Mastura-


Tinalakay ang makasaysayang pinuno ng Mindanao, si Sultan Kudarat.


Nais mabatid ng NHCP at BCPCH-BARMM ang eksaktong lokasyon ng libingan ni Sultan Kudarat.


Bahagi anila ito ng pangangalaga ng kasaysayan at pamana ng Bangsamoro.


Matapos ang pagpupulong, sinamahan ng Former Vice Mayor ng bayan na si Andy Amir at ni Barangay Kapitan Nor Ibrahim ang mga kinatawan ng dalawang ahensiya sa Simuay Seashore upang personal na i-assist sa field visit sa nasabing lokasyon.


Nagbahagi rin ang dating bise alkalde at Kapitan Ibrahim ng mahahalagang kaalaman at salaysay hinggil sa kasaysayan ng Simuay Seashore, kabilang ang mga iba pang makasaysayang personalidad at heritage sites na matatagpuan sa nasabing lugar.


Ang aktibidad na ito ay bahagi ng patuloy na inisyatiba ng Bangsamoro Government at ng pambansang pamahalaan na kilalanin, ingatan, at itaguyod ang mayamang kultural at makasaysayang pamana ng rehiyon.


 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page