Ni-rentahang sasakyan mula Silay City, Negros Occidental, tinangay at narekober sa Dapitan City, Zamboanga del Norte
- Teddy Borja
- Nov 26
- 2 min read
iMINDSPH

Narekober ng awtoridad ang isang Multi-Purpose Vehicle o MPV na nirentahan mula Silay City, Negros Occidental.
Ito ay bunga ng mahusay at mabilis na inter-agency coordination sa pagitan ng Dapitan City Police Station (CPS), Philippine Coast Guard (PCG), at Highway Patrol Group (HPG).
Na-intercept ang tinangay na sasakyan sa Pulauan Wharf, Barangay San Vicente, Dapitan City.
Bandang 11:15 AM noong November 24, 2025,
nakatanggap ang Dapitan CPS ng agarang request mula sa Silay City Police Station
sa Negros Occidental, sa ilalim ng Police Regional Office 6, upang maharang at ma-recover ang isang Mitsubishi Xpander na aktibong mino-monitor sa pamamagitan ng Global Positioning System o GPS.
Ang sasakyan ay natunton papuntang Dapitan Port, malayo sa itinakdang limitasyon ng operasyon nito.
Agad na kumilos ang mga tauhan ng Dapitan CPS at nakipag-ugnayan sa mga miyembro ng PCG na naka-assign sa Pulauan Wharf, pati na rin sa mga operatiba ng HPG na una nang nagsagawa ng interception.
Sa isinagawang imbestigasyon, lumitaw na ang sasakyan ay rented unit mula sa Silay City na ipinuslit palabas ng itinakdang lugar ng operasyon,
malinaw na paglabag sa rental agreement at iba pang kaugnay na regulasyon.
Ang driver, isang 51-anyos na lalaki mula Barangay Tablon, Cagayan de Oro City, ay agad na hinold para sa karagdagang tanong hinggil sa posibleng motibo at partisipasyon niya sa insidente.
Ang narecover na sasakyan at
ang driver ay itinurn-over sa Highway Patrol Group, Zamboanga del Norte para sa wastong dokumentasyon at mas malalim na imbestigasyon.
Binigyang-diin ni Police Brigadier General Edwin Quilates, Regional Director ng PRO 9, na ang operasyon ay patunay ng matatag na ugnayan at epektibong pagtutulungan ng mga law enforcement units sa iba’t ibang rehiyon.



Comments