Nuclear Medicine Center, itatayo ng provincial government ng Sultan Kudarat para sa libreng advance diagnostic at therapeutic services
- Diane Hora
- 5 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Itatayo sa lalawigan ng Sultan Kudarat ang Nuclear Medicine Center na kauna-unahan sa probinsya para sa libreng advance diagnostic at therapeutic services.
Isang malaking pag-angat sa pampublikong kalusugan sa rehiyon dose ang pagpapatayo ng Sultan Kudarat Provincial Government sa pamumuno ni Governor Datu Pax Ali ng Nuclear Medicine Center na kauna-unahan sa lalawigan.
Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ang nasabing pasilidad ay itatayo upang magbigay ng libreng advanced diagnostic at therapeutic services para sa lahat — dito mismo sa probinsya.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, hindi na kailangang bumiyahe pa patungong Davao o General Santos City para lamang sa mga PET scans, SPECT imaging, o radioisotope therapy.
Wala umanong matagal na paghihintay para sa diagnosis ng cancer, thyroid, o sakit sa puso at wala na ring dagdag na gastos para sa mga pamilyang naghahanap ng espesyal na medikal na atensyon ayon sa provincial government.
Ang pasilidad ay inaasahang magkakaroon ng state-of-the-art nuclear medicine equipment na kayang mag-detect at gamutin ang mga life-threatening illnesses sa pinakamadaling panahon na accessible, advance, at libre.
Ang proyektong ito ay bahagi ng layunin ng pamahalaan na dalhin ang serbisyong medikal sa mismong komunidad, alinsunod sa adbokasiyang gawing Borderless Province ang Sultan Kudarat — kung saan ang world-class healthcare ay abot-kamay ng bawat isa.
Comments