Oathtaking at panunumpa sa moral governance ng 112 promoted at newly hired personnel ng MOLE, isinagawa
- Diane Hora
- Dec 15
- 1 min read
iMINDSPH

Sa temang “Renewing Our Pledge: Upholding Moral Governance in Public Service,” pinangunahan ni Muslimin “Bapa Mus” Sema, Minister ng Ministry of Labor and Employment, ang oath of office at oath to moral governance ng isandaan at labing-dalawang newly hired at promoted employees na may permanent positions noong December 11.
Ang mga nanumpang empleyado ay mula sa regional, satellite, at provincial o field offices ng MOLE.
Binati ni Minister Sema ang mga bagong kawani at binigyang-diin ang kanilang mahalagang tungkulin sa misyon ng MOLE na pangalagaan ang dignidad ng paggawa, itaguyod ang pantay na oportunidad sa empleyo, at protektahan ang mga manggagawang Bangsamoro.
Sa opening remarks naman ni MOLE Bangsamoro Director General Surab Abutazil Jr., iginiit nito ang kahalagahan ng matibay na commitment ng bawat empleyado sa public service.
Samantala, sa mensahe ni Abdullah Cusain ng Office of the Chief Minister, binigyang-diin ang malaking tiwalang ipinagkakaloob ng Bangsamoro Government sa mga public servants.
Binigyang-diin din nito ang apat na mahahalagang prinsipyo sa public service: accountability, integrity, professionalism, at dedication.
Sa panunumpa naman sa moral governance na pinangunahan ni Bangsamoro Darul-Ifta’ Executive Director Sheikh Marhan Borhan, ipinaalala nito na ang panunumpa ay hindi lamang isang administrative procedure kundi isang kasunduan kay Allah. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagiging patas, totoo, at ikhlas sa bawat gawain bilang isang manggagawang Bangsamoro.



Comments