OBW na matagumpay na nakabalik ng bansa matapos ang naranasang pagmamaltrato sa abroad, tumanggap ng financial assistance mula sa MOLE BARMM
- Diane Hora
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ayon sa MOLE, nakaranas umano si Jarudin ng pang-aabuso mula sa kanyang employer o supervisor.
Ayon sa kanyang salaysay, napilitan siyang magpatuloy sa pagtatrabaho sa kabila ng iniinding sakit sa katawan matapos masangkot sa isang aksidente sa oven na pansamantalang nakaapekto sa kanyang paningin.
Dagdag pa rito, hindi rin siya agad nabigyan ng kinakailangang atensyong medikal sa kabila ng kanyang kalagayan.
Matapos suriin ng mga awtoridad ang kaso, napag-alamang hindi ito umaayon sa umiiral na labor standards at mga polisiya sa proteksyon ng mga manggagawa, dahilan upang agarang ipagkaloob ang tulong-pinansyal bilang paunang suporta sa biktima.
Sa pamamagitan ng MOLE-OWWB, muling iginiit ng pamahalaang Bangsamoro ang paninindigan nito na magbigay ng agarang tulong at proteksyon sa mga Overseas Bangsamoro Workers na nakararanas ng pang-aabuso at iba pang suliraning may kinalaman sa paggawa sa ibayong-dagat.



Comments