top of page

OBW na nakaranas ng pagmamaltrato sa bansang Riyadh, ligtas na nakauwi sa bansa sa tulong ng MOLE at OWWB

  • Diane Hora
  • Dec 16
  • 1 min read

iMINDSPH

ree

Matagumpay na nakabalik ng bansa si Jackie Louise Camille Buala, 29-anyos, isang domestic worker sa Riyadh, Saudi Arabia, matapos makaranas ng pisikal na pang-aabuso, pagkaantala ng sahod, at hindi makatarungang pagtrato mula sa kanyang employer.


Nakauwi ang OBW sa Cotabato City noong Nobyembre 8, halos isang taon matapos ang kanyang deployment abroad. Agad siyang tinulungan ng MOLE, pati na rin ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Department of Migrant Workers (DMW).


Ipinagkaloob din sa kanya ang iba’t ibang benepisyo at programa mula sa MOLE at DMW, alinsunod sa kanyang kwalipikasyon at kumpirmasyon.


Patuloy na nagsusumikap ang MOLE na masiguro na ang mga manggagawa ay may sapat na suporta at proteksyon habang nasa sariling bansa.


Ipinahayag ni Buala ang taos-pusong pasasalamat sa maagap at maasahang tulong ng MOLE para sa kanyang kaligtasan at kapakanan.


Pinamumunuan ni Director Annuarudin Tayuan ang OWWB, katuwang sina Arthur Dalid Jr., Chief ng Repatriation Assistance Division, at Abdulatip Pinguiaman, Chief ng Pre-Employment and Departure Division (PEADD), na patuloy na nagtataguyod ng karapatan ng OBWs at nakikipag-partner sa iba pang ahensya ng gobyerno upang maibalik at mapanatili ang dignidad ng mga overseas workers sa panganib.

 
 
 

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page