top of page

ONE MAGUINDANAO ELECTED VICE GOVERNOR BAI AINEE SINSUAT, NAGHAIN NA NG KANYANG CERTIFICATE OF CANDIDACY SA VICE GUBERNATORIAL RACE SA MAGUINDANAO DEL NORTE

iMINDSPH



Sasabak muli sa vice gubernatorial race si One Maguindanao Elected Vice Governor Bai Ainee Sinsuat.


Pormal na naghain ngayon ng kanyang Certificate of Candidacy si One Maguindanao Elected Vice Gov. Bai Ainee Sinsuat. Sya ay tatakbong Vice Governor ng Maguindanao del Norte sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP). Sya ang napili ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr na magrepresenta sa kanilang partido sa Maguindanao del Norte sa nalalapit na National and Local Election 2025. Ito ay ipinahayag ni PFP National President Gov. Rey Tamayo at PFP Vice Chairman Special Assistant to the President Anton Lagdameo.


Mahabang proseso ang pinagdaanan ng pasya ni Vice Gov. Bai Ainee na muling sumabak sa eleksyon. Dumaan ito sa masusing consultation sa elders ng kanyang pamilya, sa mga iba’t ibang sektor sa probinsya ng Maguindanao del Norte at bunga na rin ng pakikipag usap sa kanya ng maraming lider mula sa mga munisipyo ng Maguindanao del Norte.


Ang pagfile ni Vice Gov. Bai Ainee Sinsuat ay tugon sa kaniyang pagnanais na magsilbi sa mga constituents ng probinsya, commitment to public service at higit sa lahat, ito ay tugon sa constant na panawagan sa kanya ng kanyang mga supporters para sa isang makabago, makatao at progresibong liderato.

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

©2024 by iMINDS PHILIPPINES. All Rights Reserved

bottom of page