OPAPRU, patuloy na isinusulong na mapasama ang peace education sa basic at teacher’s curriculum sa buong bansa
- LERIO BOMPAT
- 3 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Sa ilalim ng kasunduan, ang Holy Cross of Davao City na ang pang lima na higher education institution sa Mindanao at kauna-unahang private college sa buong bansa na naging parte ng pagtutulungan na layuning magsilbing daan para sa pagpapalitan ng kaalaman, karanasan, at pinakamahuhusay na gawi ukol sa edukasyong pangkapayapaan.
Ang MOU signing ay isinagawa, a-25 ng Hulyo.
Sa kanyang pahayag, binigyang diin ni OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. ang mga napagtagumpayan sa ilalim ng Comprehensive Philippine peace process,partikular ang impact sa peacebuilding efforts na ipinatutupad ng national government sa Bangsamoro.
Samantala, sinabi naman ni HCDC President Fr. Dexter Deloria, SVD na ang kasunduang ito ay higit pa sa isang simpleng aktibidad, patunay aniya ito ng lumalawak na suporta mula sa mga academic institutions sa pagsusulong ng kapayapaan, pagkakaisa, at inklusibong edukasyon, lalo na sa mga kabataan na siyang inaasahang magiging tagapagtaguyod ng kapayapaan sa mga susunod na henerasyon.
Comments