iMINDSPH
Ang pagkakatalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Maguidanao del Norte Governor Abdulraof Macacua bilang bagong Chief Minister ng BARMM, ayon kay Sec. Galvez ay lalong magpapalakas sa pundasyon ng liderato na naitatag ni dating Interim Chief Minister Ahod Ebrahim.
Nagpapasalamat ang kalihim sa dating Chief Minister sa pamumuno at vision nito sa pangangasiwa sa isang meaning autonomy para sa Bangsamoro at sa pagtataguyod sa peace process sa rehiyon.
Para sa pagpapatuloy at tagumpay ng Bangsamoro Agreement, tiwala ito sa bagong talaga na Interim Chief Minister ng BARMM lalo na pitong buwan na lamang aniya ay idadaos na ang kauna-unang parliamentary election sa rehiyon.
Ang political desisyon aniya ng Pangulo ay naayon sa kasalukuyang realidad sa Bangsamoro. Ayon kay Galvez, kinakitaan na ng action-oriented leadership si Interim Chief Minister Macacua sa iba’t ibang posisyon na hinawakan nito.

Comments