Ordinansa hinggil sa paglalaan ng pondo para sa one time gratuity pay sa mga contract of service at job order workers ng Cotabato City Government, aprubado na ng SP
- Diane Hora
- 2 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Highlights ng ika-isang daan at limampu’t dalawang regular sesyon ng 17th Sangguniang Panlungsod ngayong araw, June 03, 2025 ang pag apruba sa ordinansa hinggil sa paglalaan ng pondo na nagkakahalaga ng Php 23, 408, 000.00 na kukunin mula sa Unappropriated Balance-General Fund para sa Calendar Year 2024.

Ito’y para pondohan ang pagbibigay ng One Time Gratuity Pay sa Contract of Service o COS at Job Order Workers ng City Government sa Fiscal Year 2024.

Samantala, aprubado na rin ng SP ang resolusyon na nag-o-otorisa na mapasama ang One TIME Gratuity Pay ng Contract of Service at Job Order workers ng City Government para sa Fiscal Year 2024 na nagkakahalaga ng Php 23, 408, 000.00 sa Annual Investment Program o AIP para sa Calendar Year 2025.


Comments