Orientation at validation, isinagawa ng Project TABANG sa mga kooperatiba at magsasaka na benepisyaryo ng Oplan Bangsamoro Rapid Assistance (OBRA)
- Diane Hora
- 6 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Ikinasa ito araw ng Miyerkules, July 23 katuwang ang Provincial Coordinating Team nito.
Ang hakbang ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Project TABANG na palakasin ang mga komunidad sa grassroots level sa pamamagitan ng direktang pagbibigay ng tulong sa mga sektor na pinaka-nangangailangan, partikular na sa larangan ng agrikultura at kabuhayan.
Sa orientation, pormal na ipinakilala ang OBRA program, ipinaliwanag ang mga layunin at inaasahan, at isinagawa ang beripikasyon ng kakayahan at pangangailangan ng mga napiling kooperatiba at grupo ng mga magsasaka.
Ang OBRA ay isa sa mga pangunahing inisyatibo ng Project TABANG na layuning maghatid ng agarang tulong at interbensyon sa mga komunidad na apektado ng kahirapan, sigalot, at kalamidad. Kabilang sa mga benepisyong ibinibigay ng OBRA ang livelihood packages, agricultural inputs, support services, at technical assistance upang matulungan ang mga benepisyaryo na makabangon at umunlad sa mas pangmatagalang paraan.
Ang programang ito ay kaagapay ng mas malawak na adhikain ng Bangsamoro Government na itaguyod ang inklusibong kaunlaran at Moral Governance, sa pamamagitan ng pagbibigay-priyoridad sa mga pinaka-nangangailangan.
コメント