Orientation hinggil sa Drug-Free Workplace Policy (DFWP) na maisulong ang isang healthy at drug-free enviroment, isinagawa ng PDEA BARMM sa LGU Parang
- Diane Hora
- 4 days ago
- 1 min read
iMINDSPH

Pinangunahan ni Mayor Cahar Ibay ang orientation session bilang bahagi ng pagsusumikap ng LGU Parang na mapalakas ang kampanya laban sa iligal na droga sa loob ng mga tanggapan ng pamahalaan.
Sa kanyang keynote address, binigyang-diin ni Director Castro ang mahalagang papel ng mga kawani ng gobyerno sa pagsusulong ng integridad, disiplina, at pananagutan sa serbisyo publiko.
Samantala, ipinaliwanag ni Ms. Jo Mary, Chief ng Preventive Education and Community Involvement Section, ang mga pangunahing bahagi at estratehiya sa implementasyon ng Drug-Free Workplace Program, na layuning gawing modelo ang LGU Parang sa pagpapatupad ng makatao at makabuluhang patakaran laban sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
Dumalo rin sa orientation sina Municipal Vice Mayor Abduladziz Ali, mga miyembro ng Sangguniang Bayan, Chief of Police ng Parang MPS, MLGOO Shaima Ampatuan, mga Department Heads, at mga kawani ng LGU.
Ang aktibidad na ito ay patunay ayon sa LGU ng kolektibong hangarin ng pamahalaang lokal ng Parang na panatilihing malinis at maayos ang serbisyo-publiko sa pamamagitan ng malawakang edukasyon at aktibong partisipasyon sa kampanya kontra droga.
Comments