Otoridad may tinututukan ng anggulo at persons of interest kaugnay sa kumakandidatong konsehal sa Northern Kabuntalan na binaril patay sa bayan ng Midsayap, Cotabato
- Teddy Borja
- Jan 21
- 1 min read
iMINDSPH

May tinututukan ng anggulo at persons of interest ang otoridad kaugnay sa kumakandidatong konsehal sa bayan ng Northern Kabuntalan na patay sa pamamaril sa bayan ng Midsayap, Cotabato
Puspusan ang pagtutok ngayon ng Midsayap Police sa kaso ni Jerry Beltran Dofredo, kandidato sa pagka konsehal sa bayan ng Nothern Kabuntalan at residente ng Barangay Paulino Labio ng bayan.
Pinaslang si Dofredo a-18 ng Enero sa Purok 4 Central Katingawan, Midsayap, Cotabato.
Sinabi ng hepe ng Midsapay Municipal Police Station na si Police Captain Reylan Mamon, may anggulo at persons of interest na silang tinututukan hinggil sa krimen.
Comments